Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfū-" Habang ang isang ay naglalakad sa (napakaganda nitong) damit,namamangha ito sa sarili niya,nasuklay ang buhok niya,Kaya't pinapangyari ni Allah na lagumin siya (ng lupa), at siya ay malulubog sa ilalim ng lupa hanggang sa Araw ng Pagkabuhay"
Ayon kay Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: Dumaan ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa sarong ko ay may Kataasan,Nagsabi siya:(( O Alipin ni Allah,itaas mo ang Sarong mo)) itinaas ko ito.Pagkatapos ay nagsabi siya:(( Dagdagan mo pa)),Dinagdagan ko ito,Nananatili ako sa pagsasagawa pagkatapos nito,Nagsabi ang ilan sa mga grupo ng tao,Hanggang saan? Nagsabi siya: Hanggang sa gitna ng dalawang binti.
ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allah sa kanya) mula sa Propeta Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan siya ay nagsabi: ((At yaong ibinaba niya ang kanyang suot sa dalawang bukong-bukong ay mapasa impyerno)). Mula kay Abu said (malugod si Allah sa kanya) ay nag-saad:Nagsabi ang Sugo ni Allah (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan) ((Ang pananamit ng muslim ay hanggang sa kalahati ng binti, at walang pangamba -o walang problema- kung ito ay sa pagitan niya at pagitan ng dalawang bukong-bukong, sa ganon kung siya ay nakababa sa dalawang bukong-bukong siya ay mapasaimpyerno, at sino man ang kaladkarin niya ang kanyang suot bilang pag-mamataas hindi siya titingnan ng dakilang Allah)).
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya: "Nagsusuot lamang ng sutla ang sinumang walang bahagi sa kanya." Sa isang sanaysay batay kay Imām Al-Bukhārīy: "ang sinumang walang bahagi sa kanya sa Kabilang-buhay."
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na kumuha ng sutla at inilagay niya ito sa kanan niya at ng ginto at inilagay niya ito sa kaliwa niya. Pagkatapos ay nagsabi siya: Tunay na ang dalawang ito ay ipinagbabawal sa mga lalaki ng Kalipunan ko." Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya, ang sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Ipinagbawal ang pagsusuot ng sutla at ginto sa mga lalaki ng Kalipunan ko at ipinahintulot sa mga babae nila."