Ayon kay Abū Kabshah `Amr bin Sa`d Al-Anmārīy, malugod si Allah sa kanya: "May tatlong [kalagayang] sumumpa ako para sa mga ito. Magsasalita ako sa inyo sa isang pagsalita kaya isaulo ninyo ito: Hindi nabawasan ang yaman ng isang tao dahil sa kawanggawa, walang ipinaranas sa isang tao na isang paglabag sa katarungang pinagtiisan niya ito malibang dadagdagan siya ni Allah ng karangalan, walang taong nagbukas ng pinto ng panghihigi malibang magbubukas si Allah sa kanya ng pinto ng karalitaan, o pananalitang tulad nito. Magsasalita ako ng isang pagsasalita kaya isaulo ninyo ito." Nagsabi siya: "Ang mundo ay para sa apat na tao lamang: isang taong tinustusan ni Allah ng yaman at kaalaman at siya ay nangngilag magkasala dahil dito sa Panginoon niya, nakikipag-ugnayan siya dahil dito sa kaanak niya, at kumikilala siya para kay Allah ng karapatan sa kanya kaya ito ay nasa pinakamainam sa mga kalagayan; isang taong tinustusan ni Allah ng kaalaman ngunit hindi siya tinustusan ng yaman at siya ay tapat ang layunin, na nagsasabi: 'Kung sakaling mayroon akong yaman, talagang gumawa na sana ako ng ginawa ni Polano,' at siya ay ayon sa layon niyon kaya ang kabayaran nilang dalawa ay magkapantay; isang taong tinustusan ni Allah ng yaman ngunit hindi siya tinustusan ng kaalaman kaya siya ay nagpadaskul-daskol siya yaman niya nang walang kaalaman: hindi siya nangingilag magkasala sa Panginoon niya, hindi siya nakikipag-ugnayan dahil dito sa kaanak niya, at hindi siya kumikilala para kay Allah ng karapatan sa kanya kaya ito ay nasa pinakamasama sa mga kalagayan; at isang taong hindi tinustusan ni Allah ng yaman ni kaalaman kaya siya ay nagsasabi: 'Kung sakaling mayroon akong yaman, talagang gumawa na sana ako dahil dito ng ginawa ni Polano,' at siya ay ayon sa layon niyon kaya ang pasanin nilang dalawa ay magkapantay."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na ang una sa mga tao na hahatulan sa Araw ng Pagkabuhay ay isang lalaking pinatay na martir. Ihahatid siya at ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Nakipaglaban ako alang-alang sa Iyo hanggang sa napatay akong martir. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus nakipaglaban ka upang masabing magiting! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ay ipag-uutos na kaladkarin siya na nakangudngod ang mukha niya hanggang sa maihagis siya sa Apoy. May isang lalaking natuto ng kaalaman. Nagturo siya nito at bumigkas ng Qur'an. Ihahatid siya at ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Natuto ako ng kaalaman, itinuro ko ito, at bumigkas ako ng Qur'an alang-alang sa Iyo. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus natuto ka upang masabing nakaaalam at bumigkas ka ng Qur'an upang masabing tagabigkas! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ay ipag-uutos na kaladkarin siya na nakangudngod ang mukha niya hanggang sa maihagis siya sa Apoy. May isang lalaking pinayaman ni Allah at binigyan ng sari-saring yaman. Ihahatid siya at ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Wala akong iniwang landas na iniibig Mong gumugol ako roon malibang gumugol ako doon para sa iyo. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus ginawa mo iyon upang masabing mapagbigay! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ay ipag-uutos na kaladkarin siya na nakangudngod ang mukha niya hanggang sa maihagis siya sa Apoy."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Noong nilikha ni Allāh ang mga nilikha, isinulat Niya sa isang talaan, na nasa piling Niya sa ibabaw ng trono: Tunay na ang awa Ko ay nananaig sa galit Ko." Sa isang sanaysay: "nanaig sa galit Ko." Sa isa pang sanaysay: "nauna sa galit Ko."
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "Walang isa o walang anumang higit na matiisin sa nakasasakit na narinig kaysa kay Allāh. Tunay na sila ay talagang nag-aangkin para sa kanya ng isang anak ngunit tunay na Siya ay talagang nagpapalusog sa kanila at tumutustos sa kanila."
Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu :((Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya-ay nagseselos,At ang pagseselos ni Allah-Pagkataas-taas Niya-,ay ang paggawa ng tao sa anumang ipinagbabawal ni Allah sa kanya))
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Pananampalataya ay higit sa pitumpu o higit sa animnapung sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi ng Walang Diyos kundi si Allah, at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng nakasasakit palayo sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng Pananampalataya."
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya,;Hadith na Marfu :((Ang mga gawain ay nakasalalay sa layunin,at bawat tao ay nakasalalay sa kanyang layunin,kayat sinumang lumikas para sa Allah at sa Kanyang Sugo,ang kanyang paglikas ay para sa Allah at sa Kanyang Sugo,at sinumang lumikas para sa kamunduhan,kanyang makakamtan ito,o babae ,ito`y kanyang mapapangasawa,kaya ang halaga ng kanyang paglikas ay ayon sa kanyang nilayon))
Ayon kay Ibn Shamasah Al-Mahriy,siya ay nagsabi:Dumalo kami kay `Amr bin Al-`Ass-malugod si Allah sa kanya-habang siya ay naghihingalo,napaiyak siya ng matagal at ibinaling niya ang mukha niya sa dingding,at sinabi ng anak niya na: O aking ama,Hindi ba`t nagbatid sa iyo ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng ganito?iniharap niya ang mukha niya at nagsabing:Ang pinakamainam na dapat nating paghanda ay ang pagsasaksi ng walang ibang Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at tunay na si Muhammad ay Sugo ni Allah,Tunay na ako ngayon nasa tatlong kalagayan:Talagang nakita mo ako,at wala ni isa sa sinuman ang may pinakamatinding pagkamuhi sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-liban sa akin,at wala na akong hinangad maliban sa magkaroon ako ng pagkakataon sa kanya at mapatay ko siya,Kung namatay lamang ako sa kalagayang yaon,ako ay mapapabilang sa mga taong mananahanan sa Impiyerno,At nang ipagkaloob ni Allah ang Islam sa aking puso,Pumunta ko sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi akong: Buksan mo ang kanang kamay mo,at tunay na talagang mangangako ako sa iyo,Binuksan niya ang kanang kamay niya,[ngunit] isinara ko ang kamay ko, Nagsabi siya: (( Ano ang nangyari sa iyo o `Amr?)) Nagsabi ako:Gusto kong magkaroon ng kondisyon,Nagsabi siya: ((Ano ang iyong kondisyon?)) Nagsabi ako: Na patawarin ako,Nagsabi siya: (( hindi mo pa napag-alam na ang Islam ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang paglikas ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],ang hajj ay binubura nito ang anumang nauna rito [na masamang gawain],?)) Wala ng ibang taong higit pang pinakamamahal para sa akin mula sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,at wala ng pinakadakila sa mga mata ko maliban sa kanya,at hindi ko kayang ititig ang mga mata ko sa kanya bilang pagdadakila sa kanya,At kahit na tanungin ako na ilarawan ko siya,hindi ko ito makakayanan,dahil hindi ko man lang siya natitigan ng mabuti,At kapag namatay ako sa yaong kalagayan,Ipagsusumamo ko na mapabilang ako sa mga mananahanan sa paraiso,pagkatapos ay pinamahalaan namin ang mga bagay na hindi ko napag-aalaman kong ano ang magiging sitwasyon ko rito, At kapag namatay ako,huwag ninyong isama sa akin ang naghihiyaw,at ni ang apoy,at kapag nailibing ninyo ako,ihulog ninyo sa akin ang lupa ng dahan- dahan,pagkatapos ay manatili kayo sa paligid ng aking puntod na kasing tagal ng pagkatay [sa kamelyo] ng nagkakatay,at ipamahagi niya ang karne nito,nang sa gayon ay mapanatag ako dahil sa inyo,at mapag-iisipan ko ang anumang isasagot ko sa mga sugo ng Panginoon ko
Ayon kay Abū Dharr, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Naglalakad ako noon kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang batuhan sa Madīnah at tumunghay sa amin ang Uḥud kaya nagsabi siya: "O Abū Dharr." Nagsabi ako: "Bilang pagtugon sa iyo, o Sugo ni Allah." Nagsabi siya: "Hindi magpapagalak sa akin na mayroon akong tulad ng Uḥud na ito na ginto, na lilipas sa akin ang tatlong araw samantalang mayroon pa akong isang dinar mula rito, bukod pa sa isang bagay na inilalaan ko para sa isang utang, malibang nagugol ko ito sa mga lingkod ni Allah, nang ganito, ganyan, at ganoon," [na tumuturo] sa dakong kanan niya, sa dakong kaliwa niya, at sa dakong likuran niya. Pagkatapos ay umusad siya at nagsabi: "Tunay na ang mga pinakamarami ay ang mga pinakakaunti sa Araw ng Pagkabuhay maliban sa gumugol ng salapi nang ganito, ganyan, at ganoon, sa dakong kanan niya, sa dakong kaliwa niya, at sa dakong likuran niya; ngunit kakaunti sila." Pagkatapos ay nagsabi siya sa akin: "Sa kinalalagyan mo ay huwag kang umalis hanggang sa pumunta ako sa iyo." Pagkatapos ay lumisan siya sa kadiliman ng gabi hanggang sa naglaho siya. Nakarinig ako ng isang tinig na tumaas nga kaya kinabahan ako na may isang humarang sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ninais kong puntahan siya ngunit naalaala ko ang sabi niya: "Huwag kang umalis hanggang sa pumunta ako sa iyo." Kaya hindi ako umalis hanggang sa pumunta siya sa akin at nagsabi ako sa kanya: "Talaga ngang nakarinig ako ng isang tinig na nangamba ako roon at binanggit ko sa kanya." Nagsabi siya: "Narinig mo ba iyon?" Nagsabi ako: "Opo." Nagsabi siya: "Iyan ay si Gabriel; pinuntahan niya ako at nagsabi: 'Ang sinumang namatay kabilang sa Kalipunan mo na hindi nagtatambal kay Allah ng anuman ay papasok sa Paraiso.'" Nagsabi ako: "Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya?" Nagsabi siya: "Kahit pa nangalunya siya, kahit pa nagnakaw siya."
Ayon kina Anas at Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa anak niya, magulang niya, at mga tao sa kalahatan."