Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:(( Kapag ang isang lalaki-o isang tao-ay nanilip sa iyo, nang walang pahintulot mula sa iyo,hinagisan mo sa kanya ang bato at nabulag mo ang isang mata niya,Wala kang magiging kasalanan))
Ayon kay Jarīr, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Tinanong ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa tingin ng pagkabigla at nagsabi siya: Ibaling mo ang paningin mo."
Ayon kay Qays bin Abī Ḥāzim na nagsabi: "Pumunta kami kay Khabbāb bin Al-Art, malugod si Allah sa kanya, upang dalawin siya noong nagpapaso siya ng pitong paso. Nagsabi siya: 'Tunay na ang mga kasamahan nating nauna ay yumao at hindi nila tinamasa ang Mundo. Tunay na tayo at dinapuan ng yamang wala na tayong natatagpuan para rito na isang paglalagyan kundi ang lupa. Kung hindi dahil sa ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal sa atin na manalangin ng kamatayan, talagang ipinanalangin ko na sana ito.' Pagkatapos ay pinuntahan namin siya sa ibang pagkakataon habang siya ay nagpapatayo ng isang pader. Nagsabi siya: "Tunay na ang Muslim ay talagang gagantimpalaan sa bawat bagay na ginugugol niya maliban sa bagay na inilalagay niya sa lupang ito."
Ayon kay Hudhayfah bin Al-Yamān-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-((Huwag kayong magsuot ng sutla at Dībāj [damit na yari sa bakal] at huwag kayong uminom gamit ang lalagyang yari ginto at pilak,At huwag kayong kumain sa mga dulang nila, Sapagkat ito ay para sa kanila sa Mundo at ang sa inyo ay ang Kabilang buhay))