Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya.-Siya ay nagsabi: ((Ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumapasok sa Palikuran,Nagdadala ako at ang isang bata [nasa tamang gulang] ng isang lalagyan ng tubig at patpat,Naglilinis siya rito gamit ang tubig))
Ayon kay Abē Qatādah Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya.Hadith na Marfu: "Huwag na huwag hawakan ng isa sa inyo ang ari nito sa kanang kamay niya kapag siya ay umiihi,at huwag magpunas [ng bato o papel] kapag nasa palikuran nang kanang kamay,at huwag huminga sa lalagyan ng tubig"
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-((Katakutan ninyo ang dalawang isinusumpa)) Nagsabi sila: Ano ang dalawang isinumpa O Sugo ni Allah? Ang sabi niya:( Ang mga nagdudumi sa daan ng mga tao o sa Silong nila))
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: "Huwag umihi ang isa sa inyo sa nanatiling tubig,yaong hindi dumadaloy,pagkatapos ay maliligo siya rito" At sa isang salaysay: " Huwag maligo ang sa inyo sa nanatiling tubig habang sa siya ay Junub [nakipagtalik]."
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi: (( Ako ay lalaking may maramimg Madhiy [tubig na lumalabas bago ang pagtatalik],Nahiya akong itanong ito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dahil sa kinalalagyan ng anak niya sa akin,Inutusan ko si Meqdad bin Al-Aswad,at itinanong niya ito,at Nagsabi siyang:Hugasan niya ang ari niya at magsagawa siya ng wudhu)) At sa kay Imam Al-Bukhariy: ((Hugasan mo ang ari mo at magsagawa ka ng wudhu)) At kay Imam Muslim: ((Magsagawa ka ng wudhu at hugasan mo ang ari mo))
Ayon kay Abē Ayyūb Al-Ansārī, malugod si Allah sa kanya-"Kapag pumunta kayo s palikuran,huwag kayong humarap sa Qiblah sa pagdumi at sa pag-ihi,at huwag kayong tumalikod dito,subalit humarap kayo sa silangan o sa kanluran" Nagsabi si Abū Ayyūb: (( Dumating kami sa Shām,at natagpuan namin rito ang mga palikuran na itinayo,na nakaharap sa Ka'bah,Kami ay lumilihis mula rito, at humihingi kami ng kapatawaran sa Allah-kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan))