Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na ang ipinahihintulot ay malinaw at tunay na ang ipinagbabawal ay malinaw. Sa pagitan ng dalawang ito ay mga bagay na nakapanghihinala, na hindi nalalaman ng marami sa mga tao. Kaya ang sinumang nangilag sa mga nakapanghihinala ay nakapag-ingat nga para sa relihiyon niya at dangal niya. Ang sinumang nasadlak sa mga nakapanghihinala ay nasadlak sa ipinagbabawal, gaya ng pastol na nagpapastol sa paligid ng isang kanlungan, na halos nagpanginain na roon. Kaingat at tunay na bawat hari ay may kanlungan. Kaingat at tunay na ang kanlungan ni Allāh ay ang mga pagbabawal Niya. Kaingat at tunay na sa katawan ay may isang kimpal na laman na kapag bumuti ay bubuti ang katawan, ang kabuuan nito, at kapag sumama ito ay sasama ang katawan, ang kabuuan nito. Kaingat at ito ay ang puso."
Ayon kay Al-Ḥasan bin `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."
Mula kay Abu-hurayrah -Malugod ang Allah sa kanya- mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: ((Si Dawud -Sumakanya ang pangangalaga- ay hindi siya kakain kundi mula sa gawa ng kanyang kamay)). At mula kay Almiqdam Bin Maad Yakrib -Malugod ang Allah sa kanya- mula sa Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagsabi: ((Hindi kailanman nakakain ng maganda ang isang tao kaysa sa kakain siya mula sa gawa ng kanyang kamay, at katotohanan ang Propeta ng Allah si Dawud -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay kakain siya mula sa gawa ng kanyang kamay)).
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Maawa si Allah sa isang lalaking mapagbigay kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil."