Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Tungkulin ng taong Muslim ang pagdinig at ang pagtalima [sa pinuno] sa anumang naibigan niya at kinasuklaman niya malibang nag-utos sa kanya ng isang pagsuway sapagkat kapag nag-utos sa kanya ng isang pagsuway ay walang pagdinig at walang pagtalima."
Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya. Ang sinumang tumalima sa akin ay tumalima nga kay Allah, at ang sinumang sumuway sa akin ay sumuway nga kay Allah. Ang sinumang tatalima sa pinuno ay tumalima nga sa akin, at ang sinumang susuway sa pinuno ay sumuway nga sa akin.
((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito;Ang Pinuno ay Taga-pangalaga,at ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa mga nananahanan sa bahay niya,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya at sa mga Anak niya,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito)) ,At ayon kay Ibnu `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Ang Pinuno ay Taga-pangalaga at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,At ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa Pamilya nito at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Alipin ay Taga-pangalaga sa kayamanan ng pinuno niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at may pananagutan sa pinangangalagaan nito))
Ayon kay Ma`qil bin Yasar-malugod si Allah sa kanya- Hadith na Marfu:(( Walang sinumang alipin na itinalaga ni Allah sa isang pamamahala sa mamamayan,at siya ay mamamatay sa araw ng kanyang pagkamatay,na siya ay nagtataksil sa kanyang pamahalaan;maliban sa ipagbabawal sa kanya ni Allah ang Paraiso))
Ayon kay Ibin Mas`ūd, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na Marfu: (( Katotohanang mangyayari sa mga susunod sa akin,ang pagkamakasarili,at mga bagay na tatanggihan ninyo!)) Nagsabi sila: O Sugo ni Allah,Ano ang ipag-uutos mo sa amin? Nagsabi siya: ((Ibigay ninyo ang mga karapatan na nasa inyo,at hilingin ninyo sa Allah,yaong para sa inyo))
Ayon kay Az-Zubayr bin `Adīy na nagsabi: Pinuntahan namin si Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, at idinaing namin sa kanya ang dinaranas namin mula kay Al-Ḥajjāj kaya nagsabi siya: "Magtiis kayo sapagkat tunay na walang dumarating na isang panahon malibang ang matapos nito ay higit na masama kaysa rito hanggang sa makatagpo ninyo ang Panginoon ninyo." Narinig ko ito mula sa Propeta ninyo, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.