Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na si Allāh ay nagsabi: Ang sinumang umaway sa isang tinangkilik para sa Akin ay nagpahayag na Ako sa kanya ng digmaan. Hindi nagpapakalapit sa Akin ang lingkod Ko sa pamamagitan ng anumang higit na kaibig-ibig sa Akin kaysa sa [mga pagsambang] isinatungkulin Ko sa kanya. Hindi titigil ang Lingkod Ko na nagpapakalapit sa Akin sa pamamagitan ng mga kusang-loob na pagsamba hanggang sa ibigin Ko siya. Kaya kapag inibig Ko siya, magiging Ako ang pandinig niya na ipinandidinig niya, ang paningin niya na ipinaniningin niya, ang kamay niya na ipinanghahawak niya at ang paa niya na ipinanlalakad niya. Kung manghihingi siya sa Akin, talagang bibigyan Ko nga siya. Talagang kung magpapakupkop siya sa Akin, talagang kukupkupin Ko nga siya. Hindi Ako nag-aatubili sa isang bagay na Ako ay gumagawa nito gaya ng pag-aatubili Ko sa [pagbawi sa] kaluluwa ng mananampalataya samantalang nasusuklam siya sa kamatayan at Ako naman ay nasusuklam sa pag-inis sa kanya."
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Mag-unahan kayo sa mga (mabubuting) gawain, (bago lumitaw ang mga) pagsubok na tulad ng piraso ng dilim ng gabi,uumagahina ang lalaki na mananampalataya at gagabihin na nagtatanggi,at gagabihin na mananampalataya at uumagahin na nagtatanggi,ipinagbibili niya ang Relihiyon nito sa mga maka-mundong bagay sa Mundo.))
Ayon kay Suhayb bin Sinan Ar-Rumi-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:((Nakakamangha ang gawain na isang mananampalataya;Ang lahat ng kanyang gawain ay may kabutihan,at hindi ito makatatagpuan maliban sa mananampalataya: Kapag dumating sa kanya ang kaligayahan,siya ay magpapasalamat [kay Allah] at ito ang mabuti para sa kanya,At kapag dumating sa kanya ang pinsala,Siya ay magtitiis,at ito ang mabuti para sa kanya))
Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allah sa kanya,-buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: ((Ipinadala ako at ang Huling Oras na ganito)) At itinuro niya ang dalawang daliri niya,at itinaas niya ang dalawang ito.
Ayon kay Al-Mustawrid bin Shaddād, malugod si Allah sa kanya: "Ang Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay ay tulad ng paglalagay ng isa sa inyo ng daliri niya sa dagat, kaya pagmasdan niya kung ano ang ibinabalik nito."
Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang umibig sa pakikipagtagpo kay Allah, iibigin ni Allah ang pagkikipagtagpo sa kanya. Ang sinumang nasuklam sa pakikipagtagpo kay Allah, kasusuklaman ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Nagsabi ako: 'O Sugo ni Allah, pagkasuklam po ba sa kamatayan sapagkat lahat tayo ay nasusuklam sa kamatayan?' Nagsabi siya: 'Hindi ganoon, bagkus ang mananampalataya, kapag binalitaan ng awa ni Allah, pagkalugod Niya, at Paraiso Niya, ay iibigin ang pakikipagtagpo kay Allah kaya iibigin din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya. Tunay na ang tumatangging sumampalataya, kapag binalitaan ng pagpaparusa ni Allah at ngitngit Niya, ay kasusuklaman ang pakikipagtagpo kay Allah at kasusuklaman din ni Allah ang pakikipagtagpo sa kanya.'"
Ayon kay Madāris Al-Aslamīy-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfú: ((Maglalago ang mga mabubuting tao at ang una ay mauuna, at ang matitira ay ang mga latak na tulad ng latak ng sebada o datiles,Hindi sila bibigyan ni Allāh ng kahit na kaunting pagpapahalaga))
Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: Kinuha ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at ang mag-anak niya at pangalagaan-ang aking balikat,nagsabi siya: ((Ilagay mo ang iyong sarili dito sa mundo na para kang estranghero o dumadaan lamang sa daan)) At si Ibn `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa- ay nagsasabi:Kapag ikaw ay ginabi,huwag mo ng hintayin ang umaga,at kapag ikaw ay inumaga,huwag mo ng hintayin ang gabi,at samantalahin mo ang iyong mabuting kalusugan bago ang iyong pagkasakit,at ang iyong buhay bago ang iyong kamatayan.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Gumuhit ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng mga guhit at nagsabi: 'Ito ang tao at ito ang taning niya at habang siya ay ganoon, dumating na pala ang guhit na pinakamalapit.'" Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Gumuhit ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang guhit na parisukat. Gumuhit siya ng isang guhit sa gitna palabas mula rito. Gumuhit siya ng mga guhit na maliliit papunta sa [guhit] na ito sa gitna sa gilid nito na nasa gitna. Nagsabi siya: 'Ito ang tao at ito ang taning niyang pumapaligid sa kanya o nakapaligid na sa kanya. Itong palabas ay ang pag-asa niya. Itong mga guhit na maliliit ay ang mga kasawian. Kung nagmintis sa kanya ang isang ito, tutuklawin siya ng isang iyan. Kung nagmintis sa kanya ang isang ito, tutuklawin siya ng isang iyan."