1 ـ باب: إِذا عرض بنفي الولد

Hadith No.: 2518

2518 - (ق) عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ: أَنَّ أَعْرَابِيّاً أَتَى رَسُولَ اللهِ صلّى الله عليه وسلّم فَقَالَ: إِنَّ امْرَأَتِي وَلَدَتْ غُلاَماً أَسْوَدَ، وَإِنِّي أَنْكَرْتُهُ، فَقَالَ لَهُ رَسُولُ اللهِ صلّى الله عليه وسلّم: (هَلْ لَكَ مِنْ إِبِلٍ) ؟ قَالَ: نَعَمْ، قَالَ: (فَمَا أَلْوَانُهَا) ، قالَ: حُمْرٌ، قَالَ: (هَلْ فِيهَا مِنْ أَورَقَ [1] ) ؟ قَالَ: إِنَّ فِيهَا لَوُرْقاً، قالَ: (فَأَنَّى تُرَى ذلِكَ جَاءَهَا) ؟ قَالَ: يَا رَسُولَ اللهِ، عِرْقٌ [2] نَزَعَهَا، قَالَ: (وَلَعلَّ هَذَا عِرْقٌ نَزَعَهُ) . وَلَمْ يُرَخِّصْ لَهُ في الاِنْتِفَاءِ مِنْهُ.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pinuntahan ng isang Arabeng-disyerto at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na ang maybahay ko ay nagsilang ng isang batang maitim." Nagsabi siya: "Mayroon ka bang mga kamelyo?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang mga kulay ng mga iyon?" Nagsabi siya: "Mga pula." Nagsabi siya: "Mayroon ba sa mga iyon na kayumanggi?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya paanong nangyari iyon?" Nagsabi ito: "Ipinagpapalagay ko ito na isang katangiang minana niyon." Nagsabi siya: "Kaya marahil ang anak mong ito ay nagmana ng isang katangian."

[خ7314 (5305)/ م1500]