3335 -
(م) وَعَنْهُ أَيْضاً قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صلّى الله عليه وسلّم: (إِنَّ اللهَ عزّ وجل يَقُولُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ: يَا ابْنَ آدَمَ، مَرِضْتُ فَلَمْ تَعُدْنِي. قَالَ: يَا رَبِّ كَيْفَ أَعُودُكَ وَأَنْتَ رَبُّ الْعالَمِينَ؟! قَالَ: أَمَا عَلِمْتَ أَنَّ عَبْدِي فُلاَناً مَرِضَ فَلَمْ تَعُدْهُ، أَمَا عَلِمْتَ أَنَّكَ لَوْ عُدْتَهُ، لَوَجَدْتَنِي عِنْدَهُ؟
يَا ابْنَ آدَمَ، اسْتَطْعَمْتُكَ فَلَمْ تُطْعِمْنِي. قَالَ: يَا رَبِّ وَكَيْفَ أُطْعِمُكَ وَأَنْتَ رَبُّ الْعَالَمِينَ؟! قَالَ: أَمَا عَلِمْتَ أَنَّهُ اسْتَطْعَمَكَ عَبْدِي فُلاَنٌ، فَلَمْ تُطْعِمْهُ؟ أَمَا عَلِمْتَ أَنَّكَ لَوْ أَطْعَمْتَهُ، لَوَجَدْتَ ذَلِكَ عِنْدِي؟
يَا ابْنَ آدَمَ اسْتَسْقَيْتُكَ فَلَمْ تَسْقِنِي. قَالَ: يَا رَبِّ كَيْفَ أَسْقِيكَ وَأَنْتَ رَبُّ الْعالَمِينَ؟! قَالَ: اسْتَسْقَاكَ عَبْدِي فُلاَنٌ، فَلَمْ تَسْقِهِ، أَمَا إِنَّكَ لَوْ سَقَيْتَهُ، وَجَدْتَ ذَلِكَ عِنْدِي) .
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Tunay na si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay magsasabi sa Araw ng Pagkabuhay: 'O Anak ni Adan, nagkasakit Ako at hindi ka dumalaw sa Akin!' Magsasabi ito: 'O Panginoon ko, papaano akong dadalaw sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?' Magsasabi Siya: 'Hindi mo ba nalamang ang lingkod Kong si Polano ay nagkasakit, at hindi mo siya dinalaw? Hindi mo ba nalamang ikaw, kung sakaling dumalaw ka sa kanya, ay talagang nakasumpong sana sa Akin sa piling niya? O anak ni Adan, humingi Ako ng pagkain sa iyo at hindi mo Ako pinakain!' Magsasabi ito: 'Panginoon ko, papaano akong magpapakain sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?' Magsasabi Siya: 'Hindi mo ba nalamang humingi ng pagkain sa iyo ang lingkod Kong si Polano at hindi mo siya pinakain? Hindi mo ba nalamang ikaw, kung sakaling pinakain mo siya, ay talagang nakasumpong sana niyon sa piling Ko? O anak ni Adan, humingi Ako ng inumin sa iyo at hindi mo Ako pinainom!' Magsasabi ito: 'Panginoon ko, papaano akong magpapainom sa Iyo samantalang Ikaw ang Panginoon ng mga nilalang?' Magsasabi Siya: 'Hindi mo ba nalamang humingi ng inumin sa iyo ang lingkod Kong si Polano at hindi mo siya pinainom? Hindi mo ba nalamang ikaw, kung sakaling pinainom mo siya, ay talagang nakasumpong sana niyon sa piling Ko?'"
قال تعالى: {فَاسْتَبِقُوا الْخَيْرَاتِ إِلَى اللَّهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًا}. [المائدة:48]
[م2569]