Ayon kay Jābir bin 'Abdillāh -malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfū:((Ipinagkaloob sa akin ang limang bagay, na hindi kailanman ipinagkaloob sa sinuman mula sa mga propetang nauna sa akin:Tinulungan ako [ni Allah] sa pamamagitan ng pagsindak [sa kalaban] kahit sa layo ng isang buwan na paglalakbay,At ginawa para sa akin ang lupa upang [maging lugar na] pinagpapatirapaan at gawing panlinis,Kaya kahit sino mula sa aking Ummah, ang abutan ng [oras ng] pagdarasal,ay magdasal siya, Ipinahintulot sa akin ang mga nadambong, at hindi ito ipinahintulot sa mga nauna sa akin,at ipinagkaloob sa akin ang pamamagitan, at ang propeta ay ipinapadala sa kanyang sariling tao lamang, at Ako ay ipinadala sa buong sangkatauhan))
Ayon kay Huzayfah-malugod si Allah sa kanya--Hadith na Marfu-(( Ginawa tayong higit na mainam sa sangkatauhan mula sa tatlong bagay:Ginawang ang linya natin sa [pag-aalay ng dasal] ay tulad ng paglinya ng mga Anghel,at Ginawa ang buong kalupaan para sa atin ay Masjid,at Ginawa ang alabok nito para sa atin ay dalisay kapag hindi tayo nakatagpo ng tubig,at nabanggit niya ang iba pang bagay))
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-Siya ay nagsabi:Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay bumibisita sa Quba na sumasakay at naglalakad,Nag-aalay siya rito ng dalawang Tindig na pagdarasal.At sa isang pananalita:Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay dumarating sa Masjid ng Quba sa bawat [Araw ng] Sabado na sumasakay,at naglalakad,at ginagawa ito ng anak ni Ibn `Umar.