Ayon kay Abe Sulaymān bin Al-Huwayrith, malugod si Allah sa kanya-nagsabi siya:Dumating kami sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at kami mga binata na magkakalapit sa gulang,Nanatili kami sa kanya sa loob ng dalawampung gabi,At ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay tunay na ,mahabagin at maawain,Inakala niyang nananabik kami sa aming pamilya,Tinanong niya sa amin kung sino ang naiwan namin sa aming mga pamilya ,Sinabi namin ito sa kanya,Nagsabi siya: ((Umuwi kayo sa inyong pamilya,at manatili kayo sa piling nila,turuan ninyo sila at pag-utusan ninyo sila,at magdasal kayo ng dasal na ganito sa oras na ganito,at magdasal kayo ng ganito sa oras na ganito,at kapag sumapit ang pagdarasal,manawagan ng Azan ang isa sa inyo at mamuno sa pagdarasal ang pinakamatanda sa inyo))
Ayon kay Abe Mas-ud malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Mangunguna sa mga tao [sa pagdarasal] ang pinakamahusay sa kanila sa pagbasa sa Aklat ni Allah,At kapag sa pagbabasa ,sila ay magkapantay,[piliin] ang pinakamainam sa kanila sa Sunnah,At kapag sa Sunnah sila ay magkapantay,[piliin] Ang pinaka-una sa kanila sa Paglikas,at sa Paglikas sila ay magkapantay,[piliin] ang pinaka-una sa kanila sa pagyakap sa Islam,At hinding-hindi mangunguna [sa pagdarasal] ang isang lalaki sa isang lalaki na nasa loob ng pamamahala niya,at hindi siya uupo sa loob ng bahay niya,sa kama niya liban sa Pahintulot niya.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya-Sa Hadith na Marfu: ((Hindi pa ako nakapagdasal sa likod ng Imam kailanman ng higit na magaan na pagdarasal,at higit na ganap na pagdarasal maliban sa [Pagdarasal] ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-))
Ayon kay Abe Mas-ud Al-Ansarie-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Nagsabi ang isang lalaki; O Sugo ni Allah,muntik nang hindi ako umabot sa pagdarasal dahil sa pagtagal sa amin ni Pulano,Hindi ko pa nakita ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa kanyang pagsesermon na tumindi ang kanyang galit tulad ng oras na iyon,Nagsabi siya;((O kayong mga Tao,tunay na kayo ay mahigpit (sa mga Tao),Sinuman ang magdasal sa inyo sa mga Tao ay (gawin niya itong) magaan, sapagkat kabilang sa kanila ay may sakit at mahihina at may pangangailangan.))
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: (( Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa mga tao,pagaanin niya ito,sapagkat kabilang sa kanila ang mahina,may sakit,at may pangangailangan,Subalit kapag nagdasal kayo [mag-isa] sa sarili ninyo,habaan niya ito hanggang sa kanyang naisin))
Ayon kay `Aishah malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Nagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa bahay niya na siya ay may sakit,Nagdasal siyang naka-upo,habang nagdasal sa likod niya ang mga tao na nakatindig,nagsenyas siya sa kanila; na maupo sila,At nang matapos [ang pagdarasal] Nagsabi siya: Kaya ginawa ang Imam upang ito ay sundan,Kapag siya ay yumuko,yumuko kayo,at kapag siya ay umangat,umangat kayo,At kapag sinabi niyang:"Naway dinggin ni Allah ang pumupuri sa Kanya" Sabihin ninyong:"Panginoon namin,Saiyo ang lahat ng papuri",At kapag ito ay nagdasal na nakaupo,magdasal din kayong lahat na naka-upo))
Ayon kay `Abdullāh bin Yazīd Al-Khaṭamīy Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsalaysay sa akin si Al-Barrā', at siya hindi palasinungaling. Nagsabi siya: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagsabi siya: Sami`a -llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allah sa sinumang nagpuri sa Kanya), walang bumaluktot na isa man sa amin ng likod niya hanggang sa lumapag ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na nakapatirapa. Pagkatapos ay lumalapag kami sa pagpapatirapa matapos niya."
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu-:(( Hindi ba natatakot yaong nagtataas ng ulo niya bago ang Imam,na palitan ni Allah ang ulo niya ,nang ulo ng Asno,o palitan ang itsura niya na tulad ng itsura ng Asno?))