Ayon kay Usāmah bin Zayd malugod si Allah sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi:Nagpadala ang babaing anak ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-[ng isang sugo na magsasabi]-Tunay na ang aking anak na lalaki ay naghihingalo,kaya pumunta ka sa amin,Ipinadala niya [ang sugo] upang sabihin ang pagbati at sabihin niyang: ((Kay Allah ang kinuha Niya at Kanya ang ipinagkaloob Niya.At ang lahat ng bagay sa Kanya ay may takdang panahon,magtiis ka at humiling sa gantimpala ni Allah )) [Ngunit] Ipinadala niya ito at nangako sa kanya na katotohanang darating siya sa kanya.Tumayo siya at kasama niya sina Sa`ad bin Ubbadah,Mu`adh bin Jabal,Ubayy bin Ka`ab at Zaid bin Thabit,ang iba pang kalalakihan-malugod si Allah sa kanila-Itinaas ang bata sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-pina-upo niya ito sa kanyang kandungan habang ang hininga nito ay nag-aagaw buhay,Lumuha ang kanyang mga mata,at nagsabi si Sa`ad: O Sugo ni Allah,ano iyan?Nagsabi siya: ((Ito ay habag,ginawa ni Allah-pagkataas-taas Niya sa mga puso ng kanyang alipin)) At sa isang salaysay: (( sa puso ng sinumang naisin Niya sa kanyang mga alipin,at tunay na nahahabag lamang si Allah sa mga lingkod Niyang mahabagin))
1596 - (ق) عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رضي الله عنه قَالَ: دَخَلْنَا مَعَ رَسُولِ اللهِ صلّى الله عليه وسلّم عَلَى أَبِي سَيْفٍ الْقَيْنِ
[1]
ـ وَكَانَ ظِئْراً
[2]
لإِبْرَاهِيمَ عليه السلام ـ فَأَخَذَ رَسُولُ اللهِ صلّى الله عليه وسلّم إِبْرَاهِيمَ فَقَبَّلَهُ وَشَمَّهُ، ثُمَّ دَخَلْنَا عَلَيْهِ بَعْدَ ذلِكَ، وَإِبْرَاهِيمُ يَجُودُ بِنَفْسِهِ
[3]
، فَجَعَلَتْ عَيْنَا رَسُولِ اللهِ صلّى الله عليه وسلّم تَذْرِفانِ
[4]
، فَقَالَ لَهُ عَبْدُ الرَّحْمنِ بْنُ عَوْفٍ رضي الله عنه: وَأَنْتَ يَا رَسُولَ اللهِ؟ فَقَالَ: (يَا ابْنَ عَوْفٍ إِنَّهَا رَحْمَةٌ) ، ثُمَّ أَتْبَعَهَا بِأُخْرَى، فَقَالَ صلّى الله عليه وسلّم: (إِنَّ الْعَيْنَ تَدْمَعُ، وَالْقَلْبَ يَحْزَنُ، وَلاَ نَقُولُ إِلاَّ ما يَرْضى رَبُّنَا، وَإِنَّا بِفِرَاقِكَ يَا إِبْرَاهِيمُ لَمَحْزُونُونَ) .
Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok sa silid ng anak niyang si Ibrāhīm, malugod si Allah sa kanya, samantalang ito ay nagpapalabas ng hininga nito. Nagsimula ang mga mata ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na lumuha kaya nagsabi sa kanya si `Abdurraḥmān bin `Awf: "At ikaw, o Sugo ni Allah, ay umiiyak?" Nagsabi siya: "O anak ni `Awf, tunay na ito ay awa." Pagkatapos ay pinasundan niya ito ng isa pang pag-iyak at nagsabi: "Tunay na ang mata ay lumuluha at ang puso ay nalulungkot. Hindi tayo nagsasabi malibang ang kinululugdan ng Panginoon. Tunay na kami, o Ibrāhīm, dahil sa pakikipaghiwalay sa iyo, ay talagang mga nalulungkot."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu-: ((Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya: Walang makukuhang gantimpala mula sa Akin ang alipin kong mananampalataya,kapag binawian ko ng buhay ang minamahal niya sa mundo,pagkatapos ay nagtiis at hinangad niya gantimpala nito,maliban sa Paraiso))