Mula kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan): ((Walang Sadaqah ang mababa sa limang onsa (ng pilak), at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang kamelyo, at wala ding Sadaqah kapag mababa sa limang Awsuq)).
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang mga hayop ay walang pananagutan. Ang balon ay walang pananagutan. Ang minahan ay walang pananagutan. Sa [natagpuang] kayamanan ay [nagpapataw ng] ikalimang [bahagi]."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Walang zakāh na tungkulin sa Muslim sa alipin niya ni sa kabayo niya." Sa isang pananalita: "maliban sa zakātulfiṭr sa alipin."