Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si allah sa kanya,Nagsabi siya: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; (Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan siya at kapita-pitagan) ang lahat ng gawain ng anak ni Adam ay sa kanya,Maliban sa pag aayuno,sapagkat ito ay sa Akin, At Ako ang magbibigay ng gantimpala dito,ang pag aayuno ay Panangga,kapag sa araw na nag aayuno ang isa sa inyo,huwag magsalita ng masasama,at huwag makipagtalo,at kapag nangutya ang isa sa inyo o nakipag-away, Magsabi siya na:Ako ay Nag- aayuno:Sumpa man sa nagbigay ng buhay kay Muhammad: Ang hindi magandang hininga ng nag aayuno ay mas mabango para kay Allah,kaysa amoy ng pabango,Sa nag aayuno ay may dalawang kaligayahan na nakakapag-paligaya sa kanila,kapag naghaponan siya,naliligayahan siya sa paghahapunan niya,at kapag nakatagpo niya ang Panginoon niya,naliligayahan siya sa pag-aayuno niya,)).At ang pananalita na ito,ay salasay ni Imam Al-Bukharie.At sa salaysay mula sa kanya:((Iniiwan niya ang pagkain nito at inumin nito at pag-aasawa nito para sa akin,Ang Pag-aayuno ay sa akin at ako ang magbibigay ng gantimpala dito,at ang isang kabutihan ay katumbas ng sampu na katulad nito))At sa salaysay ni Imam Muslim:(Ang lahat ng mga gawain ng anak ni Adam ay pinaparami,At ang isang kabutihan ay katumbas ng sampung katulad nito,hanggang sa pitong-daang pagpaparami,Nagsabi ang Allah-Pagkataas-taas Niya:(Maliban sa Pag-aayuno,Sapagkat ito ay sa akin, at Ako ang magbibigay ng gantimpala dito,iniiwan niya ang pag-aasawa nito at pagkain nito para sa Akin.Sa nag-aayuno ay may dalawang kaligayahan:Kaligayahan sa paghahapunan niya(AlFitr),at kaligayahan sa pagtagpo niya sa Panginoon niya.At ang hindi magandang hininga ng nag aayuno ay mas-mabango para kay Allah kaysa amoy ng pabango.
Ayon kay Sahl bin Sa`d, malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: ((Katotohanan sa Paraiso ay may matatagpuang pintuan na tinatawag na :Arrayān,Papasok rito ang mga nag-ayuno,sa Araw ng Pagkabuhay,Walang nakakapasok rito na iba maliban sa kanila,Sinasabing:Nasaan na ang mga nag-ayuno?Tatayo sila, Walang nakakapasok rito na iba maliban sa kanila,At kapag nakapasok sila,isasarado ito,at walang makakapasok kahit na isa))
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dahil sa pananampalataya at pag-asang gagantimpalaan, magpapatawad sa kanya sa anumang nauna sa pagkakasala niya."
Ayon kay Abdullah bin Abbas,malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:((Ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay ang pinakamaganda sa mga tao sa kaasalan,at siya ay mas may pinakamagandang kaasalan kapag sa buwan ng Ramadhan kapag nakikipagtagpo siya kay Anghel Jibreel,at siya ay nakikipagtagpo sa kanya sa bawat gabi ng Ramadhan at tinuturuan nito ng Qur-an,At talagang ang Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay mas mabilis sa paggawa ng kabutihan kaysa sa hangin na ipinadala.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-siya ay nagsabi: Narinig ko sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na kanyang sinabi: ((Kapag nakita ninyo ito ay mag-ayuno kayo,at kapag nakita ninyo ito ay huminto kayo sa pag-aayuno,at kapag ito ay natakpan sa inyo,gawin ninyong ganap ang bilang sa kanya))