Ayon kay Buraydah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwala, hindi siya kabilang sa atin."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang sumumpa at nagsabi ng sumpa man kay Allāt o Al`uzzā ay magsabi ng Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allah). Ang sinuman magsabi sa kasamahan niya: Makikipagsugal ako sa iyo, ay magkawanggawa siya."
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Ang paggigiit ng isa sa inyo sa sinumpaan niya nakaugnay sa mag-anak niya ay higit na makasalanan para sa kanya sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, kaysa sa magbigay siya ng panakip-sala niya na isinatungkulin ni Allah sa kanya."
Mula kay Abu Umamah Iyyas Bin Tha'labah Al-harithiy -Malugod si Allah sa kanya- marfu'an: ((Sinuman ang pinagpuputol niya ang karapatan ng isang muslim sa pamamagitan ng kanyang pag-sumpa, ay inubliga na ng dakilang Allah sa kanya ang impyerno, at ipinagbawal na sa kanya ang paraiso)) ang sabi ng isang lalaki: Kahit pa ba ito ay maliit na bagay lamang oh Sugo ng Allah? sabi Niya: Kahit na ito ay isang munting pamalo mula sa kahoy na Siwak)).
Ayon kay Buraydah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah: Ang sinumang sumumpa at nagsabi: Tunay na ako ay walang kaugnayan sa Islam; kung siya ay nagsisinungaling, siya ay gaya ng sinabi niya; kung siya naman ay nagsasabi ng totoo, hindi siya babalik sa Islam nang buo."