Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa.-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Ipamigay ninyo ang isinasatungkuling [yaman] sa karapat-dapat nito,at anuman ang matitira, ay para sa pinakamalapit na [kamag-anak ng patay] na lalaki )) At sa isang salaysay: ((Hatiin ninyo ang yaman sa pagitan ng mga taong Al Farāid [na naisulat] sa Aklat ni Allah,At anuman ang matira,ay para sa pinakamalapit na [kamag-anak ng patay] na lalaki ))
Ayon kay Usāmah bin Zayd, malugod si Allah sa kanilang dalawa: Nagsabi ako: "O Sugo ni Allah, tutuloy ka po ba bukas sa tahanan mo sa Makkah?" Nagsabi siya: "Nag-iwan pa ba para sa atin si `Aqīl ng mga tirahan?" Pagkatapos ay nagsabi siya: "Hindi nagmamana ang Kāfir sa Muslim ni ang Muslim sa Kāfir."