Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kung nagkataong nagkaroon ako ng tulad sa [bundok ng] Uhud na ginto, talagang ikagagalak ko na pagkalipas ng tatlong gabi ay walang matitira sa akin na anuman mula rito maliban sa anumang ipambabayad ko sa isang pagkakautang."
Ayon kay Abē Hurayrah malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang isang lalaki ay dumating sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-naniningil ng utang sa kanya, naging mapusok siya sa kanya,kaya nagalit ang kanyang mga kasamahan.Nagsabi ang Sugo ni Allāh pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:((Hayaan ninyo siya, sapagkat ang nagmamay-ari ng karapatan ay may katuwiran)) Pagkatapos ay Nagsabi siyang:((Bigyan ninyo siya ng kamelyong kasing gulang ng kamelyo niya))Nagsabi sila:O Sugo ni Allāh! Wala kaming natagpuan maliban sa mas mataas sa gulang [ng kamelyo niya], Nagsabi siya:((Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad))
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang sinumang nakasumpong ng ari-arian niya mismo sa piling ng isang lalaki - o isang tao - na nabangkarota, siya ay higit na karapat-dapat dito kaysa sa sinumang iba pa sa kanya."