Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kung sakaling inanyahan ako sa pagkain na binti o hita [ng tupa], talagang tutugon ako. Kung sakaling magreregalo sa akin ng hita o binti [ng tupa], talagang tatanggapin ko."
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Nagkawanggawa sa akin ang ama ko ng ilan sa yaman niya kaya nagsabi ang ina kong si `Amrah bint Rawāḥah: Hindi ako malulugod hanggang sa pasaksihin mo ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Lumisan ang ama ko papunta sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, upang pasaksihin niya ito sa pagkakawanggawa niya sa akin. Nagsabi sa kanya ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Ginawa mo ba ito sa mga anak mo, sa lahat sa kanila? Nagsabi siya: Hindi po. Nagsabi ito: Mangilag kang magkasala kay Allāh at maging makatarungan ka sa mga anak mo. Umuwi ang ama ko at binawi ang kawanggawang iyon." Sa isang pananalita: "Kaya huwag mo akong pasaksihin samakatuwid sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa paniniil." Sa isa pang pananalita: "Pasaksihin mo rito ang iba pa sa akin."
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ang bumabawi sa regalo niya ay gaya ng kumakain sa isinuka niya." Sa isang pananalita: "Sapagkat tunay na ang bumabawi sa kawanggawa niya ay gaya ng asong sumusuka pagkatapos ay kumakain sa isinuka nito."
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allāh sa kanya-Siya ay nagsabi:((Nagkawanggawa ako ng kabayo sa landas ni Allah,ngunit pinabayaan ito ng nag-aalaga sa kanya,Inibig kong bilhin ito muli,at inakala kong ibibinta niya ito sa murang halaga,Nagtanong ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-?Nagsabi siya:Huwag mo itong bilhin,at huwag mong bawiin ang ipinagkawang-gawa mo,kahit ibigay niya sa iyo sa halagang isang Dirham;Dahil ang bumabawi sa ipinagkaloob nito ay tulad ng pagbalik sa isinuka nito))
Ayon kay Abe Muhammad `Abdullah bin `Amr bin Al-`As-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Apatnapong bahagi:Pinakamataas rito ay pagpapahiram ng kambing [upang matugunan ang pangangailangan ng mga dukha], walang sinumang gumagawa na gagawa mula sa mga bahaging ito;na naghahangad ng gantimpala Niya at naniniwala sa mga ipinangako Niya,maliban sa ipapasok siya ni Allah dahil rito sa Kanyang Paraiso))