Ayon kay Ibn `Umar, malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay)) Ayon kay Jaber-maalugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Mangilag kayo sa kawalan ng katarungan sapagkat ang kawalan ng katarungan ay dilim sa Araw ng Pagkabuhay,Mangilag kayo sa pagiging maramot,sapagkat dahil dito kaya nalipon ang mga nauna sa inyo))
Ayon kay Abē Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu:(( Sinuman ang nakagawa ng kawalan ng katarungan o kasalanan sa kapatid niya-mula sa kanyang ari-arian o iba pang bagay,tanggalin niya ang pananagutan niya sa Araw na ito bago ito hindi maging isang dinar o isang dirham;Kung siya ay mayroong mabuting gawain, kukunin ito sa kanya [bilang kabayaran] sa dami ng kanyang nagawang kasalanan,At kung sa kanya ay wala mabuting gawain,Kukuha mula sa mga kasalanan ng kasama niya at ipapataw ito sa kanya))
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na si Allah ay talagang nagpapalugit sa sumusuway sa katarungan; ngunit kapag kinuha Niya ito, hindi Niya ito patatakasin." Pagkatapos ay bumigkas siya: "Gayon ang pagkuha ng Panginoon mo nang kinuha Niya ang mga pamayanan samantalang ang mga ito ay lumalabag sa katarungan. Tunay na ang pagkuha Niya ay masakit, matindi." (Qur'an 11:102)
Ayon kay Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-nang ipadala niya si Muadh sa Yaman,sinabi niya sa kanya:"Tunay na ikaw ay darating sa mga tao mula sa mga Taong Aklat,Gawin mong ang pinaka-unang pag-anyaya mo sa kanila ay ang Pagsasaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban kay Allah"-At sa isang salaysay: " Sa pag-iisa nila [sa pagsamba] kay Allah' At kapag sila naniwala sa iyo rito,Ipaalam mo sa kanila na si Allah ay nag-obliga sa kanila ng limang beses na pagdarasal,sa bawat araw at gabi, At kapag sila naniwala sa iyo rito, Ipaalam mo sa kanila na si Allah ay nag-obliga sa kanila ng pagkakawang-gawa,Kinukuha mula sa mga mararangya sa kanila at ibinibigay sa mga dukha nila,At kapag sila naniwala sa iyo rito,Iwasan mo [na kunin mo ] ang mainam sa mga yaman nila,at katakutan mo ang panalangin ng naaapi,Sapagkat sa pagitan niya at sa pagitan ni Allah ay Walang pagitan.
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Tulungan mo ang kapatid mo habang nang-aapi o inaapi." May nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, tutulungan ko siya kapag siya ay inaapi. Ano po sa tingin mo kung siya ay nang-aapi, papaano ko siyang tutulungan?" Nagsasabi siya: "Hahadlangan mo siya - o pipigilan mo siya - sa pang-aapi sapagkat tunay na iyan ay pagtulong sa kanya."
Ayon kay Abe Sarmah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu-:((Sinuman ang maminsala sa mga Muslim,ay pipinsalain siya ni Allah,at sinuman ang magpahirap sa mga Muslim,si Allah ay magpapahirap din sa kanya))