Ayon kay `Aishah-malugod si Allah sa kanya-(( Na ang mga Quraysh ay nagdalamhati sila sa kapakanan ng Makhzumiyyah na nagnakaw;Nagsabi sila: Sino ang makikipag-usap rito sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-? sinabi nila: Sino pa ang may kakayahang makipag-usap sa kanya maliban kay Usamah bin Zaid,na iniibig ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Kinausap siya ni Usamah,Nagsabi siya:Namamagitan kaba sa Alituntunin mula sa mga Alituntunin ni Allah?Pagkatapos ay tumindig siya,at nagbigay ng Sermon Nagsabi siya:Katotohanan na kaya nilipol ang mga( Taong) nauna sa inyo,Sapagkat sila,Kapag nagnakaw sa kanila ang mga may karangyaan,ay iniiwan ito,Ngunit kapag ang nagnakaw sa kanila ay ang mahihina,ipinapatupad nila ang Alituntunin,At Sumpa kay Allah,Kahit si Fatimah bint Muhammad ang nagnakaw,tunay na puputulin ko ang kamay niya)) At sa isang pananalita:(( Ang isang babae ay naghihiram ng gamit at kinuha niya ito,Kaya`t ipinag-utos ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na putulin ang kamay niya))
Ayon kay Abū Nujayd `Imrān bin Ḥuṣayn Al-Khuzā`īy, malugod si Allah sa kanya, may isang babaing kabilang sa [liping] Juhaynah na pumunta sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang siya ay buntis mula sa pangangalunya at nagsabi: "O Sugo ni Allah, nagkamit ako ng isang takdang parusa kaya ipatupad mo ito sa akin." Ipinatawag ng Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang tagatangkilik niya at nagsabi: "Makitungo ka ng maganda sa kanya at kapag nagsilang siya ay dalhin mo sa akin." Ginawa naman niyon. Ipinag-utos ng Propeta ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, [na parusahan] siya kaya iginapos sa kanya ang mga kasuutan niya. Pagkatapos ay ipinag-utos nitong ipataw sa kanya kaya binato siya. Pagkatapos ay nagdasal ito para sa kanya. Nagsabi rito si `Umar: "Nagdarasal ka para sa kanya, o Sugo ni Allah, gayong nangalunya nga siya?" Nagsabi ito: "Talaga ngang nagbalik-loob siya ng isang pagbabalik-loob na kung sakaling hinati sa pitumpo sa mga naninirahan sa Madīnah ay talagang sasapat sa kanila ito. Nakatagpo ka ba ng higit na mainam kaysa sa nag-alay ng sarili niya para kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan?"